#NakawPaMore

Very tiring day! Sobrang stress at pagod ang nararansan ko ngayon pero nakukuha ko pang mag-update sa blog na ito! Haha!

So ayun nga. May ikukwento ako sa inyo, last time sinabi kong nanakawan ako sa school ng malaking pera, hindi ba?

Well, hindi lang pala ako nag-iisa. 30 out of 47 kong mga kaklase, ay nanakawan rin pala! Nilagay rin nila sa bag yung wallet nila, then nagulat rin sila na ayun nga. Nakabukas yung bag nila tapos wala na yung wallet.

I can’t believe this. Alam naming isang kaklase lang namin ang gagawa nito. Partida, ramdam kong babae siya dahil halos lahat ng ninakawan niya, ay puro kaming mga babae. Take note: napansin ko rin na sunod-sunod niya kaming Pare-parehas pa kaming magkakatabi! Ugh! Nakakacurious talaga, na parang yung isa lang rin samin mismo ang kumuha ng mga pera namin, dahil alam namin na siya, ang nakakaalam na naglalagay kami ng wallet sa bag namin.

{ Anong masasabi nyo? Haha, nagtanong eh noh ☺ }

Bukas, magrereport na kami sa mga teachers sa nangyari. Bilang presidente, ayoko nang maulit ang mga pangyayaring nananakawan ang mga kaklase ko. Havey! Sana nga, malaman na namin agad-agad bukas kung sino siya. Mahigit 1000 ang kinuha niya sa kin, at wala akong pakundangang sisingil siya don.

Okay so.. i don’t want to untitled this. Habang nagmumuni-muni, naisip ko ang dami ko pa palang gagawin. May gusto akong simulan.. pero ang masaklap hindi ko talaga siya masimulan.

Kumbaga, ayoko pa. Parang natatamad na talaga kong mag-aral. Ewan ko kung bakit, hindi naman ako depressed. As in hindi naman eh.

Parang gusto kong ipakausap to, haha. Iba na kasi nararamdaman ko. Pero huwag na lang, stay positive na lang kahit anong mangyari! 😊 Hays! Kapagod~ Kamusta kayo dyan? 😏👋

Ugh

I’m so tired today. Nakakalungkot. Why? NANAKAWAN NANAMAN ULIT AKO NG PERA. AT THIS TIME, PANGALAWANG BESES NA NANGYARI TO.

Ang sakit, sobra grabe. 1000 plus ang nakuhang pera, hindi naman sa akin ang mga pera na iyon kaya natakot lalo ako sa mga mangyayari. Tangina grabe, ang hirap mapunta sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na alam kung anong gagawin, saan ako makakakuha ng ganung kalaking pera para maisauli ko ito sa mga kaklase ko? Natatakot ako.

Kaya sa kaklase kong makulit ang kamay, sana maputulan ka ng kamay. Bahala na ang Panginoon sa’yo. :(:|